<< [Previous]
KAPALIGIRAN
IBA NA TALAGA!
PANGUNGULILA SA KAPALIGIRAN
NAISIP MO SANA…
DAMDAMING NAGTUTULA(a mind who says a poem)
Poetry Vista
BUHAY AT KALIGAYAHAN
SINISINTA
LIHIM NITONG DAMDAMIN
[ - More Poetry] >>
|
MUNTING BOSES
ni
Karen Conales
Bukang liwayway mga bata'y gising na
Sa pagbabanat buto'y abala
Sa kalye pagala-gala
Nang mesa'y may makakain pa
Nag-iisip ang damdamamin
Bakit ganito ang takbo ng hangin.
“Limos po, limos po” ang maririnig,
nasaan na ang saya sa munting tinig?
Minsa'y sampaguita ang dala,
O di kaya'y basahan ang hawak nila,
Bakit ganito'y kay lupit ng buhay,
Sila'y nagdurusa't wala pang malay.
Kamusmusa'y nilimot sa pagtrabaho
Buhay nagsasagripisyo
Sa lansangan nagkakamalay
Magulong buhay sila nasanay
Talagang sa kanila ba'y dapat
Magsukli ng dugo't pawis na tapat?
Boses sana'y dinggin
Munting tinig ay pansinin
Tulad ng iba kailangan ng aruga,
Haring lungsod sila'y ipagkalinga
Ayon kay Rizal, sila ang pag-asa
Kaya kaibigan, puso'y buksan na.
Comment on this Item
|
|
|
©2000 - 2006 Individual Authors of the Poetry. All rights reserved by authors
|
|
[ Control Panel ]
Last 100 Poems
Become a Sponsor
|