Site Counter: 14377 | Home | Login | Guestbook
[ PoetryVista ] URL: http://www.poetryvista.com/poetrysafilipino
 
ni
Barcenas, Lalaine

‘Di ko inakala
ako'y inalipusta
lahat ay wala na
dahil sa kay lupit kung umasta.

Buhay biglang dumilim
Nang ako'y putulin
Itinapon kung saan
Nawalan nang pag-asang lumaban.

Ngunit Diyos ay kusang mapagtimbang
Galit na bagyo't baha walang galang
Daming buhay ang inuutuang,
Lupa'y takot at nagulantang.

Ako'y di dapat sisihin:
Pusong bubulagin,
Damdaming maawain:
Dapat ba akong sawayin?