Site Counter: 14376 | Home | Login | Guestbook
[ PoetryVista ] URL: http://www.poetryvista.com/poetrysafilipino
 
ni
Carlson Bangcat

Ako'y kalbo
Hayaan ni'yo naming ito'y tumutubo
Kahit papaano
Sinasampalataya kayo
Ng mga punong taglay ko.

Ubos na….
Walang wala na..
Iniisip ba ng utak ay kahiwagaan?
Kung di pa sa mga punong iyan
Pamilya'y walang masisilungan.

Sa pagiging lapastangan
Sa buhay ay binawian
ang maipamalaking luntian
ngayon kayumanggi ang naiwan.

Ibon sa dahong kumakaway,
Naglalarong kay tamlay
Hanging masuyong makulay
Samyo'y nawalan ng saysay.

Agos na malamig
Sa mga isda'y sinisisid
Waring libingan ang paligid
Basura'y nakatabi sa gilid.

Di ba pa kayo nasisiyahan?
Sa hinaing nitong kagubatan
Kalaunan ay may kabayaran
Kaya pagbabago'y simulan.