Site Counter: 14372 | Home | Login | Guestbook
[ PoetryVista ] URL: http://www.poetryvista.com/poetrysafilipino
 

Ni Remy Antonette Malipot

Kaibigan, kaibigan!
Hali kayo't ating pagmasdan
Ang nararamdaman
ng ating tinitirhan.

O, kay dami….
Sa mga mata'y napakarumi,
Kagagawan ng pabayang sarili
Paglilinis walang silbi!

Hala……tapon dito at doon,
Namayani na ang polusyon
Kay sakit tanggapin ng ngayon
Sa baga nakakalason.

O, mga gawi'y di nagkakaisip,
Ni sa panaginip
Mga ukit nakapaligid
Paglilinis ang binabanggit.

Paano maiwasan
Ang masamang gawi ng isipan
Nagluluksa na ang bayan
sa patung-patung na basurahan.


Ugali, sana'y ika'y magbago
Ang kalat ay pakawalan mo
Kalinisa'y putungan ng ulo
Upang paningi'y magpakatotoo.